Abante Tonite Interactive

Mister napagod sa sex, todas

986

Hinihinalang binangungot dahil sa labis na pagod kaya hindi na nagising sa kanyang pagtulog ang isang mister na nag-check in kasama ang isang babae sa loob ng isang apartelle sa Quezon City nitong Martes nang madaling-araw.

Sa report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang nasawi na si Raymund Leanto, 39-anyos, may asawa at residente ng Rodriguez, Rizal.

Batay sa pahayag ng babaeng kasama ni Leanto na hindi na binanggit ang pangalan, pasado alas-siyete nang gabi noong Martes nang pumasok sila sa Rolex Apartelle na matatagpuan sa Greater Lagro, Quezon City
Pagkatapos magtalik ay uminom sila ng alak saka natulog. Nagising na lang umano siya na umuungol si Leanto kaya niyugyog niya ito pero hindi magising.

Agad na humingi ng saklolo ang babae sa mga empleyado ng apartelle at isinugod nila sa Quezon City General Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival. (Dolly Cabreza)