Abante Tonite Interactive

Mister sinaksak nang gisingin si misis

560

Matapos gisingin sa himbing na pagkakatulog ang kabiyak dahil lang sa naramdamang selos, sinaksak ng isang ginang na naalimpungatan ang kanyang kinakasama sa Malabon City kamakalawa.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Malabon si Jonathan Gamba, 43, nakatira sa #129 Sitio Sto. Nino, Barangay Concepcion ng nasabing lungsod dahil sa malalim na saksak sa likod.

Boluntaryo namang sumuko kina P/SSg. Richard Acojebo at P/Cpl. Bernie Gayanes ang suspek na si Marissa Parawan, 37.

Sa imbestigasyon ng Malabon Police, alas-2:45 ng hapon, tulog ang mag-live-in partner sa kanilang bahay matapos mag-inuman sa katanghaliang tapat.

Ilang saglit lang ay nagising si Gamba at ginising ang kinakasama para lang kumprontahin dahil nagseselos ang una bunga ng umano’y may relasyon ang babae sa kapitbahay nilang alyas Jhun.

Sa galit ni Parawan sa bintang ng asawa, kumuha ito ng kitchen knife at sinaksak ang esposo.

“Ang sarap ng tulog mo tapos gigisingin ka lang para magselos,” sabi ng suspek.

Hindi pa batid kung magsasampa ng kaso si Gamba. (Orlan Linde)