Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister sinunod sa hukay; binoga sa puntod ng dyowa

0 290

Walang awang pinagbabaril at pinatay ng mga hindi nakilalang gunmen ang isang lalaki sa harap mismo ng puntod ng asawa nito sa Cabuyao City, Laguna nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Mamerto Fariñas, na nagtamo ng dalawang bala mula sa kalibre 45 baril.

Batay sa report ng Cabuyao City police, nakaupo sa folding chair ang biktima sa harap ng puntod ng asawa sa Divine Life Cemetery sa Barangay Gulod nang dumating ang dalawang suspek na parehong naka-facemask, itim sombrero at jacket.

Bigla na lamang ang mga itong nagbunot ng baril at pinaputukan ang hindi na nakatayong biktima.

Tinutukan pa ng mga ito ng baril at pinagbantaang babarilin ang kasamang kaanak nito.

Mabilis na tumakas ang mga salarin na naglakad lamang patungo sa main gate ng sementeryo.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo at ang pagkakailanlan ng mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.