Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister tiningga sa ulo, dibdib

0 302

Patay ang 45-anyos na mister makaraang taniman ng bala sa ulo at dibdib nang nakasalubong na lalaking nakamotor sa eskinita ng Barangay Payatas, Quezon City, Sabado ng gabi.

Ang biktima ay si Jose Acebron, 45, taga-Azucena St., Barangay Payatas.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-10:10 ng gabi nang maganap ang pamamaril.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Pat Nestor V Ariz Jr., naglalakad si Acebron sa eskinita at pauwi na ng bahay nang sumulpot ang naka-helmet na suspek at malapitang pinaputukan sa ulo at dibdib ang biktima sabay takas lulan ng motorsiklo na hindi naplakahan.

Isinugod ang biktima ng misis niyang si Teresita sa East Avenue Medical Center pero binawian din ito ng buhay.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.