Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister tinodas ng `kumpare’

0 136

Patay ang isang 42-anyos na mister matapos na barilin ng isang lalaki na nagpakilala umano sa asawa ng biktima na kumpare nito, sa Lian, Batangas Linggo ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Carlo Mendoza na nakatira sa Bgy. Binusbusan, dahil sa mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa asawa ng biktima na si Kristina, nasa loob sila ng kanilang bahay bandang alas-6:50 ng gabi, nang dumating ang suspek at tumawag.

SM food to go Banner Ad

Nagtanong umano ang suspek at sinabing “nasaan si Pareng Carlo”. Paglabas ng biktima biglang naglabas ng baril mula sa sling bag ang suspek at pinagbabaril si Mendoza.

Agad na tumakas ang hindi nakilalang suspek matapos ang pamamaril at sumakay sa isang naghihintay na motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.