Abante Tonite Interactive

Mister tinopak: Misis, pamangkin tinodas

0 400

Nalagutan ng hininga ang isang ginang at kanyang pamangkin matapos ang mga itong pagtatagain nang tinopak na mister habang apat na kapitbahay pa ang sunod nitong pinagtataga kahapon nang umaga sa bayan ng Ilog sa lalawigan ng Negros Occidental.

Nasa kustodiya ngayon ng Ilog Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si William Magbato, residente ng Barangay Balicotoc ng nabatid na bayan.

Kinilala naman ang dalawang nasa­win­g sina Milerna Magbato, 55-anyos, asawa ng suspek; Ryan Ulitan, 18, pamangkin, na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi na katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.

Abante Hiring – IT dep

Sugatan naman ang apat pa nilang kapitbahay na sina Jessie Teranes, 50; Ja­nice Elamparo, 33, at dalawang barangay kagawad na sina Leonilo Balsomoro, Sr., at Demjoy Tiaga.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-siyete nang umaga kung saan kakagi­sing lang umano ng suspek na agad kumuha ng itak at unang pinagtataga sa loob ng kanilang bahay ang kanyang asawa at pamangkin na agad nasawi.

Hindi pa nakuntento, lumabas ito ng bahay bitbit ang itak na ginamit sa pamamaslang sa asawa at pamangkin at pinagtataga nito ang apat na nakasalubong sa kalsada.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng 15th Infantry Battalion ng Philippine Army na pinamumunuan ni Lt. Col. Patricio Tomales at sinubukang papayapain ang suspek subalit tinangka pa umano silang atakihin kaya binaril nila ang suspek sa kamay dahilan upang mabitiwan nito ang itak at agad nilang inaresto at dalhin sa istasyon ng pulisya.

Ayon naman sa kaanak ng suspek, mayroon umanong diperensya sa isip si Magbato kung saan bago ito matulog ay mataas umano ang lagnat nito at paggi­sing kahapon nang umaga ay itak agad ang unang hinagilap dahilan upang maganap ang krimen. (Edwin Balasa)