Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mister todas sa dating kagalit

0 48

Patay ang isang mister matapos pagbabarilin sa harap ng kanyang misis ng isang retiradong pulis nitong Sabado ng hapon sa Zamboanga City.

Dead on arrival na sa Zamboanga City Medical Center si Radzkamar Hakim dahil sa tinamong bala sa braso at likuran mula sa kalibre .45 baril.

Sa ulat ni Police Cpt. Edwin Duco, ng Police Regional Offcie (PRO) 9, naganap ang insidente alas-12:15 ng hapon nitong Sabado sa loob ng Three & One Enterprises sa Veterans Avenue.

Magkasama ang biktima at misis na si Myreme nang bigla na lang lumapit ang isang lalaking nakaberdeng hoody jacket, puting t-shirt at mula sa likuran at pinagbabaril ang biktima.

Mabilis ding tumakas ang gunman sakay ng itim na Honda XRM 125.

Nakuhanan ng CCTV footages ang insidente kaya nakilala at nadakip si Abdulmiri Jamili, 65, retiradong pulis.

Ayon naman sa asawa ng biktima, nagkaroon umano ng away ang suspek at ang biktima noon pang 2019 at simula ito ng paulit-ulit na pagbabanta umano ng suspek sa mag-asawa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.