Abante Tonite Interactive

Misteryosong pananakit ng tiyan bumabagabag kay Stepheson

366

By Vladi Eduarte

Food poisoning na dahilan ng pagsama ng tiyan ang sinabi ng Blackwater Elite kaya wala si Alex Stepheson Biyernes ng gabi.

Walang Stepheson na nagpakita sa MOA Arena, nag-all-Filipino ang Elite at pinagbayad ng San Miguel Beer 127-106.

Worst loss ng Blackwater matapos ilista ang franchise-best 132-106 win sa NLEX noong June 6.

Napigil sa 5-2 ang Elite sa PBA Commissioner’s Cup.

Wala ang import, ang 23 points at 13 rebounds ni Bobby Ray Parks ang bumuhat sa Blackwater. May 11 pataas sina Mike Digregorio, Roi Sumang, Allein Maliksi at Rabeh al-Hussaini na pinag-start ni coach Aris Dimaunahan kapalit ni Stepheson.

Umaga ng Biyernes ay umuwi ng US si Stephson para matignan ng espesyalista ang kanyang nananakit na tiyan.

Misteryosong stomach problems.

Habang naglalaro sa Meralco sa parehong conference noong 2017, sumakit din ang tiyan ni Stepheson.

“Health problems” lang ang nabanggit ni Dimaunahan, hindi rin tinumbok kung ano ang sakit ng import na naga-average ng 22.1 points, 22 rebounds at 2.1 blocks sa anim na laro.

Umaasa ang team na makakabalik din si Stepheson sa susunod na linggo.

Mukhang dati nang binabagabag ng sakit ang import sa umpisa pa lang ng conference.