Abante Tonite Interactive

Mistulang nanay ni Rayver Lotlot sandamakmak na goto-lugaw ang ipinakain sa burol

566

tonite-pak-allan-diones

Balik-trabaho na ulit si Rayver Cruz matapos mailibing ang kanyang inang si Elizabeth Cruz kahapon ng umaga sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque.

Mula nang pumanaw si Mommy Beth nu’ng February 2 ay nag-excuse muna si Rayver sa taping niya ng “Asawa Ko, Karibal Ko” pero nagpasabi siya sa GMA na after mailibing ng mom niya ay gusto niyang magtrabaho kaagad.

Ani Ray, gusto niyang maging busy ulit agad para hindi niya masyadong maisip na wala na ang mother nila, na sobrang close sa kanila ng brothers niyang sina Rodjun at Omar.

Dumagsa ang mga kaibigan at lahat ng nagmamahal kay Rayver at sa pamilya niya sa huling gabi ng lamay ni Mommy Beth nu’ng Miyerkoles.

Buti na lang ay inilipat ito sa mas ma­laking chapel ng Funeraria Paz para sa mass at eulogy. Isa sa mga nagsalita ay ang pinsan ni Mommy Beth na si Tirso Cruz III, na nakakaaliw ang speech at sobrang benta ang mga patawa.

Kagaya sa wake ng anak ni Tirso na si TJ Cruz ay nagkaroon din ng sayawan sa huling gabi ng lamay ni Mommy Beth sa pamumuno ng mga zumba­mates nito. Nag-join din sa pagsasayaw sina Rayver at Rodjun pati na ang kanilang Tito Pip.

Si Rodjun ang naatasan ng kanyang mga kapatid na magbigay ng eulogy sa kanilang ina. Touching ang speech ni RJ, na ang haba at paiba-iba ng emosyon from nakakatawa to nakakaiyak kaya sabi niya ay mala-roller coaster ito.

Mami-miss daw nilang magkakapatid ang pagiging maingay ng mommy nila at hahanapin nila ang mga pangungulit nito sa kanila.

Hanggang sa huling gabi ay buo ang suporta kay Rayver ng pamilya ni Janine Gutierrez. In full force doon sina Lotlot gabi-gabi at ang mga ito ang aligaga sa food.

Nang mapansin ni Lot na kulang ‘yung catering nu’ng last night dahil sa dami ng tao ay agad nagpabili ng sandamakmak na goto-lugaw si Janine.

Sa pinagdaanang ito ni Rayver ay sobra niyang naramdaman na parang second mother na talaga niya si Lotlot at ­pangalawang pamilya na niya ang family ni Janine.