Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mitchell di’ iiwan ang Jazz

0 94

Asahan na patuloy na pangungunahan ni Donovan Mitchell ang Utah Jazz nang lumagda sa five-year maximum extension sa halagang $195M (P9.4B), ayon sa ESPN nitong Lunes.

Pasiklab ang 24-year-old, 2020 All-Star play maker nang mag-averange ng 24.0 points sa nakaraang 76th o 2019-20 season, at may career best sa assist na 4.3 per game.

Sa isang pasiklab ni Mitchell sa nakaraang playoffs sa Florida bubble, umiskor siya ng 57 points kontra Denver Nuggets.

Bukod kay Mitchell, nakatanggap rin ng max extension deals sina Sacramento Kings’ guard De’Aaron Fox at Boston Celtics’ forward Jayson Tatum sa kanilang mga koponan. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.