Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mitchell, Gobert wala nang gusot

0 242

MAAYOS na sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert, naareglo na ang tampuhan nila noong kasagsagan ng pananalasa ng coronavirus.

Si Gobert ang unang NBA player na nag-positive sa virus, pagkatapos lumabas ng resulta ng test niya noong March 11 ay sinuspinde ang NBA.

Nahawa si Mitchell.

Ikinairita ni Mitchell ang ginawa ni Gobert ilang araw bago ‘yun nang paghahawakan ang microphones at recorders ng sportswriters sa isang interview.

Handa nang giyahan ng dalawa ang Utah Jazz sa NBA restart sa Orlando bago matapos ang buwan. Kasama ang Jazz sa 22 teams na imbitado sa bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.