Abante Tonite Interactive

Mitchell, Jazz pinitik ang Blazers

287

Ginanahan si Donovan Mitchell sa second half, nilista ang 28 sa kanyang 35 points para itulak ang Utah Jazz sa 121-115 panalo kontra Portland Trail Blazers Huwebes ng gabi.

Hindi tinantanan ni Rudy Gobert si Carmelo Anthony, na-air ball ang tira ng Portland vete­ran sa final 22.4 seconds.

Makalipas ang 17 segundo, binutata ni gobert ang drive ni Damian Lillard para palamigin ang fourth quarter rally ng Blazers.

Tumapos si Gobert ng 16 points at 15 rebounds para sa Jazz Isang laro matapos pantayan ang kanyang career-high 27 points, nagsumite ng 26 si Joe Ingles.

Umiskor ng 34 si Lillard kabilang ang dalawang 30-foot contested 3-pointers sa final minutes, naglista ng 25 points si CJ McCollum 17 dito sa fourth para sa Portland.

Tinapos ng jumper ni McCollum ang 10-0 spurt ng Blazers­ para dumikit sa 100-93 7 ½ minutes pa. (VE)