Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mitchell nginata ang Nuggets

0 148

Palabas ni Donovan Mitchell ang Game 4 ng first-round series ng Utah at Denver nitong Linggo sa Orlando bubble.

Tumabo si Mitchell ng game-high 51 points para itulak ang Jazz sa 129-127 panalo at 3-1 lead sa best-of-seven. Kinubra ang pangatlong sunod na panalo, posible nang isara ng Jazz ang series sa Game 5 bukas.

Matikas ding nagpakita ang support cast ni Mitchell.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-ambag ng 26 points si Mike Conley, may 24 si Jordan Clarkson. Tumapos si Rudy Gobert ng double-double na 17 points at 11 rebounds.

Sa Denver side, pasiklab ng 50 points si Jamal Murray mula sa siyam na 3-pointers pero hindi naisalba ang Nuggets.

May palamuti pang 7 assists si Mitchell, sa first half lang ay may 22 points na sa 7 of 9 shooting. Tinapos niya ang larong 15 of 27 mula sa floor, pinakaimportante rito ay nilista ang 13 sa final 15 points ng Utah para selyuhan ang panalo. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.