Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mitra may pasabog sa Usapang Ruweda

0 233

Mas magiging makulay ang balitaktakan sa susunod na episode ng Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda” na mapapanood tuwing Linggo mula ala-1:00 nang hapon hanggang alas-2 :00 nang hapon sa YouTube, Abante Facebook at Abante Online.

Bukod sa bagong babaeng host na masisilayan, panauhin si Games and Amusement Board (GAB) chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra.

Tatalakayin niya sa programa ang nalalapit na pagbabalik ng mga pasabong at iba pang isyu na pupukaw ng pansin sa mga manonood at tagapakinig.

Isa si Mitra sa mga nagsudulong ng pagbabalik ng sabong at nakaraan lang ay nag video sila para makita kung ano ang magaganap at makikita sa loob ng sabungan sakaling payagan na ang sport.

Samantala, bida sa mga sabungero sina Atong Ang, Biboy Enriquez at Escolin Brothers matapos ipagmalaki na sila ang kanilang mga idolong sabungero.

Maging sina Patrick Antonio, Rey Briones, Sonny Lagon, Paolo Malvar at Gerry Ramos ay nasama sa paboritong breeders ng mga sabungero. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.