Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mitra saludo sa PBA, PFL

0 219

Pinapurihan ni GAB chairman Baham Mitra ang PBA at PFL (Philippine Football League) sa ginagawang pagsasaayos ng hanay para masunod ang health protocols na nasa joint administrative order ng IATF ngayong panahon ng coronavirus.

Sa online PSA Forum nitong Martes, sinabi ni Mitra na kailangan ang kooperasyon ng players at teams para maisaayos ang guidelines lalo kapag pinayagan na ang balik-training.

“’Yung mga league naman, sila na mismo (kumikilos),” anang opisyal sa webcast Forum na mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel, Braska Restaurant, PAGCOR, Smart at official webcast partner Upstream Media.

Related Posts

“Nauunahan parati ang GAB, kasi kami we want to hear both sides, we want due process.”

Marami rin aniyang pinagkakaabalahan ang GAB, hindi tulad ng PBA at PFL na nakatutok lang sa kani-kanilang liga.

Sa kaso ng Blackwater, binigyan lang ng GAB ng stern warning ang team dahil hindi pa umiiral ang JAO nang magkaroon ng violation. Nauna na ring pinagmulta ng PBA ng P100,000 ang team na kilala na ngayon sa moniker na Bossing. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.