Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miyembro ng crime group laglag sa Maynila

0 98

Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang miyembro ng Banung Drug Group sa San Andres Bukid, Maynila.

Alas-dos kahapon ng madaling-araw nang mahuli ng pulisya sa sa panulukan ng Pasig Line St., at A. Francisco St., Brgy. 777 Zone 83 ang suspek na si Hans Kerwin Pama, alyas Kerwang. Nasamsam sa kanya ang 12 gramo ng shabu na may market value na P81,600 at marked money na P500.

Matagal na umanong minamanmanan ng pulisya ang iligal na gawain ng suspek. Sasampahan ito ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.