Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miyembro ng gunrunning group nabitag

0 74

Naaresto ng mga awtoridad ang isa umanong miyembro ng Andoy Criminal Group matapos bentahan ng baril ang isang undercover cop sa isang buy-bust operation sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.

Sabi ni P/Maj. Merbern Lago, hepe ng CIDG-Quezon City District Field Unit, ang naaresto ay nakilalang si Roldan Evangelista, 42-anyos, residente ng Brgy. Pinyahan, QC, at sinasabing miyembro ng Andoy Criminal Group na umano’y sangkot sa bentahan ng marijuana at gunrunning activities sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Batay sa ulat, alas-4:40 ng hapon naaresto ng mga tauhan ng CIDG-QCDFU at Kamuning PS-10 ang suspek sa buy-bust na ikinasa sa Mataimtim Rd., Brgy. Pinyahan matapos makatanggap ng tip hinggil sa kanyang iligal na aktibidad.

SM food to go Banner Ad

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng kalibre .38 revolver na nagkakahalaga ng P5,000 at nang magpositibo ang transaksiyon ay agad inaresto si Evangelista.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na walang serial number at loaded ng 5 bala, sling bag na may mga screw driver, wallet na may ilang ID at mga dokumento at buy-bust money.

Si Evangelista ay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.