Abante Tonite Interactive

Miyembro ng security ni Duterte tinamaan ng COVID-19

0 284

Kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) commander Jesus Durante III na isa sa kanilang hanay ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Durante, nagpositibo sa PCR testing ang isang miyembro ng PSG, ngunit nilinaw nito na hindi nakakalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang infected ng virus.

“But no exposure with President Duterte. Does not belong with close-in security detail,” paliwanag ni Durante.

Aniya, 160 na PSG member umano ang nagpositibo sa rapid test kung saan sila’y na-quarantine.

Lusot naman ito sa quarantine matapos ang 14-araw na walang sintomas at nagnegatibo sa confirmatory test.

Ang isa namang nagpositibo ay gumaling na, ayon kay Durante. (RP)

Tonite – Wendys Inhouse Ad