Abante Tonite Interactive

MJ inisnab nina Malone, Russell

0 375

Maraming personalidad ang nakibahagi sa The Last Dance documentary para magbigay ng kaalaman sa huling season ni Michael Jordan sa Chicago Bulls noong 1997-98.

Mula sa mga kaibigan, kakampi at kalaban sa court, nakibahagi.

Pero may dalawang players na tumanggi.

Ayon kay The Last Dance director Jason Hehir, hindi nagpa-interview ang dating teammates sa Utah na sina Karl Malone at Bryon Russell.

Hindi dinetalye ni Hehir ang dahilan ng dalawa.

Malamang, ayaw nang sariwain nina Malone at Russell ang dalawang sunod na taong bridesmaids sila ng Chicago. Ginawang tuntungan ni Jordan at ng Bulls ang Jazz para makuha ang fifth at sixth rings noong 1996-97 at ’97-’98.

Si Malone noon ang pinakamalaking tini kay Jordan. Sa Episode 9, na-focus ang pagiging MVP ni Malone noong 1997 sa halip na si Jordan.

Si Russell?

Siya ang footnote sa huling tira ni Jordan na nagselyo sa legacy ng Bulls star. Si Russell ang biktima ng game-winning shot ni MJ sa Game 6 ng 1998 NBA Finals. Milyong beses na sigurong napanood ang eksena na nadulas at muntik masubsob si Russell nang bahagyang itulak sa likod ni Jordan bago pinakawalan ang winner.

Si John Stockton na direktor ng Jazz team na ‘yun noon, nagpa-interview sa The Last Dance.

Halatang nandu’n pa rin ang pagkadismaya na back-to-back victims ni Jordan at ng Bulls ang Jazz, pero pumayag magsalita ng Hall of Fame point guard para makumpleto ang epic documentary. (Vladi Eduarte)

Tonite – Wendys Inhouse Ad