Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MJ inurot si Rabiya sa hiwalayan

0 449

Umani ng katakot-takot na reaksyon ang comment ni MJ Lastimosa sa post ng kaibigan niyang si Rabiya Mateo.

Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Rabiya ng larawan niya na nakangiti habang nasa Napa Valley. Caption niya, “as you travel, you get to experience what life truly means.”

Ito ay matapos kumpirmahin ng boyfriend na si Neil Salvacion sa IG Story nito na break na sila.

Sa comment section ay nangunguna ang komento ni MJ na “Luh luh luh tawa now iyak later” with grimacing face emojis.

Tawa nang tawa ang mga netizen sa komento ni MJ pero karamihan ay naloka rin dahil feeling nila ay nilaglag nito ang kaibigan.

“To yung klaseng kaibigan nanlalaglag sa socmed HAHAHAHAHAHA nako po,” komento ng isang netizen.

“Yung basher mo rin kung bestfriend mo HAHHAHAHAHAH,” anang isa pa.

“Mareng mj panira ka talaga HAHHAHAHHAA,” sey pa ng isang follower.

Reaksyon pa ng isa, “bully ka talaga, madam.”

Kuda naman ng isa, “bakit naman po iiyak later? Aawayin mo na naman ? 😭 Pasaway ka talagang ate ka laging inaaway si bunsoy!”

Pero may mga nag-comment din naman na concerned “ate” lang naman daw si MJ kay Rabiya at walang masamang ibig sabihin ang sinabi nito.

Kim inaway sa parking

Inireklamo ng Kapuso actress na si Kim Rodriguez ang isang kagawad ng kanilang barangay na diumano ay nang-harass sa kanya.

Sa kanyang Facebook post kahapon ng umaga ay idinetalye ni Kim ang insidente na nagsimula umano sa parking.

“Hindi talga ako nag popost ng ganito sorry long post dapat positive lang lagi at masaya. Di ako makatulog sa nangyari kanina ��natatakot ako na baka mamaya may mag ikot nanaman na mga nakamotor sa labas ng bahay namin.

“Di ko talaga tanggap yung ginawang pang haharass sakin ng brgy kagawad namin na si Kagawad Ronnie Ortiz,di ako makapaniwala na kung sino pa yung Kawagad ng barangay namin sya pa yung nangharas sakin ,

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Simpleng parking lang naman problema,lumagpas lang ng konting konti yung pwetan ng sasakyan ko sa gate nila,,inalis ko naman nung pumasok sya,” ang simulang kwento ni Kim.

Nakiusap daw siya na ipa-park niya ang sasakyan sa naturang lokasyon pero sinigawan daw siya nito.

“Sigaw sya ng sigaw na alisin mo sasakyan mo! Bigla nya akong pinagsisigawan pati asawa nya at mga anak nyanglalaki sinugod pa ako, pinapaalis ako,” kwento pa ni Kim.

“Grabe yung dinanas ko,grabe yung masasamang narinig ko ng dahil sa parking lot na yan!” dagdag niya.

Maya-maya raw ay bigla na lang may kalalakihan sa harap ng bahay niya at pinalalabas siya.

“Nung pumasok na ako sa bahay para magphinga bigla syang tumawag ng grupo ng kalalakihan na mga nakamotor mga lima sila tas may isang babae.

“Grabe takot ko di ko alam gagawin ko mag isa lang ako sa bahay natatakot ako lumabas kahit na doorbell sila ng doorbell di ako lumalabas kasi anong laban ko? Puro sila lalaki .

“Akala ko safe ako dito kasi kapitbahay ko Kagawad namin, pero hindi,imbis na mapanatag loob ko lalo ako natakot,” patuloy niya.

Takot na takot daw siya at pakiramdam niya ay may krimen siyang nagawa dahil lang sa parking. Nataranta na raw siya sa takot dahil sa mga pulis na nasa harap ng bahay niya.

“Sobra yung takot ko ang daming pulis sa labas ng bahay namin ������tapos nag memega phone na sila pra lumabas ako ������

“Di ko alam na aabot sa ganito simpleng pag usog lang ng kotche bakit may mga brgy tanod, mga pulis pa na may hawak na baril. Iyak na ako ng iyak di ko na alam gagawin ko nanginginig ako natatakot ako lumabas. ������,” aniya.

Mensahe ni Kim, “pinost ko to HINDI para magpaawa o magpasikat gusto ko maging boses sa mga tao na huwag gagamitin yung posisyon para mang abuso ng kapwa,. Dapat mas lalo tayo maging mapagkumbaba habang mas nagkakaron tyo ng impluwensya..

“Ang sama talaga ng loob ko sa inyo Kagawad dahil sa ginawa mo. NAGPALAKPAKAN PA KAYO PAGKAALIS NG MGA PULIS! MAGING MABUTI KAYONG EHEMPLO LALO NA SA NASASAKUPAN NYO. Honorable pa naman po tawag sa inyo.”

Kalalakip ng post ni Kim ay mga larawan at isang video kung saan ay makikita ang mga umaali-aligid na mga pulis sa kanyang bahay.

Sari-sari namang reaksyon ang netizens sa kwento ni Kim. Maraming naawa sa kanya at pinayuhan siyang magsumbong kay Raffy Tulfo. May iba naman na nagsabing baka naman may iba pang dahilan ang galit ng kapitbahay sa kanya.

“Baka naman po may ibang reason pa aside sa parking lot issue? Or di kaya. Ilang beses kana sinabihan kaso paulit ulit mong ginagawa kaya napuno na sya. Medyo OA kasi yung may pulis pa ung issue kasi ng parking lot pang brgy lang eh.. So baka may ibang issue pa. Sana mag labas din ng pahayag ung kagawad nyo para fare enough. super mali kasi Yung actions na ginawa nya,” komento ng isang netizen.

Bukas ang panig ng kagawad na nirereklamo ni Kim para sa ikakalinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.