Abante Tonite Interactive

MJ mapaglaro ang alindog

197

Unang linggo pa lang ng January at hindi pa humuhupa ang netizen sa pagsalubong sa 2019, nagpakulo na naman ng kanyang alindog ang beauty queen turned actress na si MJ Lastimosa.
Masisilip sa kanyang Instagram wall ang nakakabighaning pose ni MJ habang nakaluhod sa isang bamboo bench. Kuha ito sa isang resort sa La Union.
Nakasuot ng yellow two piece si MJ na super-emote na animo’y nang-aakit sa mga kalalakihan.
At sa pagkaka-bend ng kanyang katawan, parang nag-aanyaya ng isang mahigpit na yakap ang kanyang  katawan.
Sa paningin ng mga barako, nakakapag-init ang itsurang ito ni MJ. ‘Yung tipong nakaka-ulol sa diwa ng isang anak ni Adan.
Mapaglaro talaga si MJ, lagi na kahit noong nakaraang taon ng 2018, lagi siyang mapanukso sa kanyang mga larawan.
Matagumpay namang nabulabog ni MJ ang imahinasyon ng mga nagpapantansya sa kanya. (Rey Pumaloy)