Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA: Aksidente sa EDSA ‘wag isisi sa mga concrete barrier

0 307

Iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia na ligtas daanan ng mga bus ang EDSA busway, ito’y kasunod ng mga alegasyon na kasalanan ng mga concrete barrier dito ang madalas na pagkakaroon ng aksidente.

Sa datos ng MMDA, anim na bus ang naaksidente sa EDSA Busway simula noong Hunyo 1 hanggang Hulyo 28, 2020 na katumbas ng 0.004 porsyente lang aniya kumpara sa mahigit 30,000 na mga bus na dumadaan sa tinalaganga daan ng mga bus.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag ni Garcia, sakto lang din ang lapad ng busway para daanan ng mga bus sa ipinatutupad ditong tulin o takbo ng sasakyan.

Tinukoy niya ang madalas na pagti-text o pagtawag sa cellphone habang nagbibiyahe o nakainom habang nagmamaneho bilang mga dahilan ng pagkakaararo ng mga concrete barrier sa busway.

“Ibig sabihin nito, self-accident ang dahilan kung bakit may aksidente sa EDSA Busway at hindi dahil sa mga concrete barrier nito” ani Garcia. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.