Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA atrasado sa P1B flood control project – COA

0 104

Mahigit P1 bilyong pondo para sa mga flood control project noong nakaraang taon ang hindi pa naipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ayon sa report ng Commission on Audit (COA).

Base sa 2020 Annual Audit Report ng COA para sa MMDA, pinuna nito ang mabagal na procurement ng ahensiya kaya hindi nasimulan o hindi natapos ang mga proyekto na nakatuon sana para mapaayos ang problema sa pagbaha at trapiko.

Ayon sa COA, atrasado ang procurement ng 10 proyekto ng MMDA sa ilalim ng Traffic Engineering Center, Metrobase at Health and Environmental Protection Office.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Moreover nine projects with an aggregate contract cost of P1,203,336,567.11 were not completed within the specific contract time due to (a) inadequate planning and absence of coordination with the concerned LGUs (local government units) communities and other agencies; and (b) unsatisfactory performance of the contractor,” ayon sa COA.

Nasa 67 lamang din sa kabuuang 94 flood control project noong nakaraang taon ang natapos ng MMDA na ang pangunahing dahilan ay atrasado ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) ng Department of Budget and Management at procurement delay naman sa panig ng MMDA.(Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.