Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA chair sapol ng COVID

0 79

Nagpositibo sa coronavirus disease si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim.

Inanunsyo niya ito sa Facebook post nitong Martes kung saan lubos naman siyang nagpapasalamat na negative sa virus ang asawa at mga anak niya.

“Kagabi, matapos kong sumailalim sa routine swab test, nakuha ko na ang results at lumabas na positive ako sa COVID-19 sa kabila ng palaging pag-iingat at pagsunod nang maigi sa mga health protocols sa lahat ng pagkakataon,” ani Lim.

Sinabi niyang regular siyang pumapasok sa trabaho mula noong maimplementa ang enhanced community quarantine ng Marso para tuloy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng ahensya.

Sa ngayon ay nananatili naman umanong mild ang kanyang mga sintomas. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.