Abante Tonite Interactive

MMDA constable nabundol ng huhulihing bus

By
2,891

Nabundol ang isang traffic enforcer ng Metro Manila Development (MMDA) ng pampasaherong bus na huhulihin dapat nito sa kahabaan ng Edsa, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat, kinawayan at pinara ng MMDA Constable na si Ferdinand Junio ang Pascual bus dahil sa pagbababa at pagsasakay ng mga pasahero sa maling lugar sa southbound ng Edsa, Munoz.

Ayon sa driver ng bus na nakilalang si† Joseph Ib-ib, dahil sa madilim ay hindi niya napansin ang kumakaway na traffic enforcer kaya nabundol niya ito. Itinanggi ng driver na sinadya niyang banggain ang naturang traffic enforcer.

Abante Hiring – IT dep

“Hindi ko naman po sinasadya na banggain ‘yung traffic enforcer.Sa totoo lang po kasi madilim at hindi ko po agad siya napansin na pinapara at kinakawayan niya ako. Huli na nang malapit na ako sa kanya ay saka ko lang siya nakita at napapreno, pero huli na at ‘yung pagpreno ko ang nakatama sa kaniya,” paliwanag ng bus driver.

Agad namang dinala sa kalapit na ospital ng isang napadaan na isang rescue volunteer na nakilalang si Maynard Kho ang traffic enforcer.

Wala namang naging pinsalang tinamo sa katawan ang MMDA constable subalit tila nakalimutan umano nito ang mga pangyayari.

Pansamantalang nasa kostudya ng QCPD Police Traffic Sector ang driver ng bus habang hihintay pa ang MMDA Constable kung kakasuhan ito.†