Abante Tonite Interactive

MMDA dapat maghigpit sa mga billboard

180

Hinikayat ni Senador Win Gatchalian ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng mas istriktong polisiya sa pag­lalagay ng billboard sa mga pangunahing kalsada.

Ginawa ng senador ang panawagan kasunod ng pangamba ng Automobile Association Philippines (AAP) sa malalaking LED projector billboards sa kahabaan ng EDSA.

Ayon sa AAP, posibleng maka-distract ng mga driver at magdulot ng aksidente.

“The MMDA should be more vigilant in enforcing the guidelines on billboards and outdoor adverti­sing signs they implemented beginning in 2012. Mukhang nagi­ging overcrowded na naman kasi ang mga daan natin with giant billboards,” saad ni Gatchalian.

Binuhay din ng senador ang kanyang panawagan sa agarang pagpapasa ng Senate Bill No. 995 o Billboard Regulation Act.

Ang panukala ay para sa pagtatakda ng mga requirement at minimum distance sa mga istraktura at limit sa size ng display surface at height ng billboard structure.

Ipinagbabawal din sa panukala ang obstruction ng mga traffic sign sa mga kalsada.

Itinatakda rin sa panukala ang billboard-free zones, kabilang na ang area ng historical sites, tourist destinations, at parks.

“There is as definite need to restore order in our streets and in our properties and we can start by correcting mistakes spawned by the libe­ral interpretations of laws on buildings and structures as these ­apply to billboards,” diin nito. (Dang Samson-Garcia)