Abante Tonite Interactive

MMDA employee tigbak sa sapak

226

Patay sa gulpi ang isang kawani ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) nang pagsasa­pakin ng kanyang katrabaho, linggo ng hapon sa Taguig City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital si Alberto Delgado, 57, taga-08 A. Reyes. St., Brgy. New Lower, Bicutan. Nasa kustodiya naman ng pulisya ang suspek na si Jazz Orena, 33, mechanical operator ng MMDA, nakatira sa #92 Block 04 Ext., Brgy. West Rembo, Makati City.

Sa pagsisiyasat ng Taguig City Police, alas-5:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa Hagonoy Pumping Station ng MMDA.

Nag-iinuman ang biktima at suspek nang sa hindi pa mabatid na dahilan ay nagtalo hanggang sa pagsusuntukin ng suspek ang biktima sa mukha na ikinatumba nito sa bangketa at tumama ang ulo sa semento kaya nawalan ng malay.

Isinugod man ng suspek sa pagamutan ay nasawi rin ang biktima at dineklarang patay bandang alas-7:27 ng gabi dahil sa matinding­ pinsalang tinamo sa ulo. (Armida Rico)