Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA: Food delivery sa NCR 24/7 na

0 147

Hindi na lang sa Manila City kundi sa buong National Capital Region, o Metro Manila, pinapayagan nang mag-operate nang 24 oras ang lahat ng mga restaurant at fast food chain para sa delivery service.

“Ang ating pong mga mayors ng Metro Manila, majority of them pinayagan na po magbukas ‘yung ating mga restaurants, fast-food chains ng 24 hours sa delivery,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority General Manager Jojo Garcia kahapon.

Nanuna rito noong Miyerkoles, inanunsiyo ng Manila government na 24 oras nang available kada araw ang take-out at delivery service sa lahat ng mga food establishment sa lungsod. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.