Abante Tonite Interactive

MMDA handang mag-escort sa ambulansya

0 130

Handa ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na asistehan ang mga emergency vehicle partikular na ang mga ambulansya upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko.

Kasunod na rin ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring bigyan ng escort o assistance ang mga emergency vehicle.

Ayon kay MMDA spokesperson Assistant Secretary Celine Pia­lago, kapag nangaila­ngan ng escort ang isang emergency vehicle, kailangan lang magsabi sa motorcycle riding traffic enforcer para maa­sistehan o maalalayan sa daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Sinabi ni Pialago, hindi naman lahat ng ambulansya may sakay na pasyente o emergency, iyong iba pabalik na ng barracks kaya hindi na kailangang alalayan.

Gayunman, sa mga pagkakataon aniya na hindi magawang makapagsabi ng mga driver ng ambulansya sa traffic constable ng MMDA, magkukusa naman ang mga tauhan ng ahensya na asistehan ang mga ito kung kinakailangan. (Armida Rico)