Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA ikakalat mga enforcer sa PICC

0 32

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon ang pagpapakalat ng kanilang mga tauhan na magdu-duty para sa halalan ngayong Lunes, Mayo 9.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, target nilang gamitin ang 90 percent ng kanilang mga personnel para magmando ng trapiko sa paligid ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Sa PICC isasagawa ng National Board of Canvassers ang pagproseso sa mga boto para sa pambansang halalan.

SM food to go Banner Ad

Inaasahan ang pagbigat ng daloy ng sasakyan sa lugar lalo’t sasabay pa rito ang ilang magdaraos ng graduation sa PICC plenary hall.

Nakikipag-ugnayan din ang MMDA sa Commission on Elections, Southern Police District, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at ang lokal na pamahalaan kaugnay dito.

Dagdag pa ni Artes, naglatag na rin sila ng traffic decongestion plan na ipapatupad simula Linggo hanggang sa matapos ang bilangan ng boto. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.