Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA kinalampag sa bakuna ng mga senior

0 160

Sumulat ang tagapamuno ng House committee on senior citizens sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang himukin nito ang mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR) na payagan ang mga matatanda na mag-walk in sa mga COVID-19 vaccination center.

Ayon kay Senior Citizens party-list Rep. Rodolfo Ordanes, ang pagpaparehistro ang isa sa dahilan kung bakit maraming matatanda ang hindi pa nakapagpabakuna.

Sinabi ni Ordanes na maraming senior citizen ang hindi marunong magparehistro online para makakuha ng schedule at kung nakakuha man ay hirap ang mga itong pumunta sa vaccination site.

Dahil aniya rito kung kaya’t halos 1.5 milyong senior citizen pa ang hindi bakunado laban sa COVID. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.