Abante Tonite Interactive

MMDA magbebenta ng mga na-impound na sasakyan

565

Ibebenta na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga behikulong nasa 10 hanggang 20-taong naka-impound sa kanilang impounding area na hindi na tinutubos ng mga may-ari.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, pansamantalang sususpendihin ang pag-i-impound ng mga behikulong hinahatak.

Ito’y upang ma-decongest aniya ang lugar bagama’t tumitingin na sila ng property sa may southern area ng Metro Manila para gawing impounding area.

Ngunit nilinaw nito na hahatakin pa rin nila at ii-impound ang mga behikulong luma na, mga driver na arogante, walang lisensiya, OR/CR at mga sangkot sa aksidente.

“We will still impound vehicles, but these are limited only to extreme cases,” ani Pialago.

Nabatid na nasa 580 behikulo at 500 motorsiklo ang naka-impound sa Tumana, Marikina City.

Upang makabawas ay ibebenta na lamang ng MMDA ang mga sasakyan na nasa 10 hanggang 20-taong naka-impound, na hindi kinukuha ng may-ari.