Abante Tonite Interactive

MMDA magtataas ng multa sa mga traffic violation

By
353

Inaprubahan na kahapon ng Metropolitan Manila Council (MMC) ang pagtataas ng multa para sa ilang traffic violation tulad ng illegal parking at yellow lane.

Sinabi ng MMC, mula P500 magiging P1,000 na ang ipapataw na multa sa mga motoristang mag-i-illegal parking para sa attended na behikulo at sa unattended ay P2,000.

Samantala, ang lalabag naman sa yellow lane, mula sa P500 ay magiging P1,000 ang multa nito.

Ang pagtataas nang multa para sa nabanggit na traffic violation ay napagkasunduan ng mga Metro mayors ang policy making body ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Samantala, sinabi naman ni MMDA General Manager Jojo Garcia, sa susunod na buwan ay magsasagawa ang Department of Public Works and Highway (DPWH) ng rehabilitation sa Estrella Bridge kaya’t asahan na aniya ang ma­tinding pagsisikip ng trapiko sa naturang lugar.