Abante Tonite Interactive

MMDA napuno, pasaway na towing sisibakin  

By
577

Nakatakdang sibakin ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang ilang abusadong towing company dahil sa inilalagay sa kahihiyan ang ahensya at kasabay ng pahayag na umaasa sila na madadala nang mag-i-illegal parking sa mga pasaway na motorista at itinaas nila ang multa nito.

Sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, marami silang natatanggap na reklamo sa ilang accredi­ted towing company na nang-aabuso, dahil dito ay inilalagay aniya nila sa kahihiyan ang natu­rang ahensya.

“Ang target namin dito, ‘yung mga tow trucks matanggal na natin ‘yan, ‘yung ‘di na namin ia-accredit kasi talagang sumasakit ulo namin, nasisira imahe ng MMDA kapag may mga luko-luko po na tow trucks,” ani Garcia.

Ayon kay Garcia, ang nakatakdang pagsibak sa mga abusadong towing company ay kasalukuyang sumasailalim sa committee hearing.

Umaasa naman ang MMDA na madadala nang mag-illegal parking ang ilang pasa­way na motorista dahil itinaas na ang multa nito matapos aprobahan noong Biyernes ng Metro Manila Council (MMC).

Nabatid, na mula sa multa P200, magi­ging P1,000 na ang multa sa mga sasakyang nakaparada sa illegal parking na naroon ang driver.

Samantala, mula P300 ay magiging P2,000 naman ang multa kapag wala ang driver, hindi pa kasali doon ang bayad sa paghahatak.