Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA officer kumagat sa pain, dinakma

0 96

Agad na pinosasan ang isang opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos kumagat sa buy-bust operation na ikinasa ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang nadakip na si Antonio Sarmiento alyas “Bon”, 33, MMDA officer, Brgy. San Martin de Porres, QC.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Kamuning Police Station 10 commander PLt Col Alex Alberto, alas-7:30 ng gabi nang ikasa ang drug operation sa kanto ng Bernardo at Zambales Sts. sa Brgy. San Martin de Porres.

Isang pulis ang tumayong buyer at umiskor ng shabu sa halagang P6,500 pero nang magka-abutan ay dito na dinakma si Sarmiento.
Nasamsam sa suspek ang 6 gramo ng shabu na nagkakahalagang P40,800 gayundin ang buy-bust money. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.