Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMDA spox ‘walang puso, bobo’

0 116

Hindi napigilan ng aktor na si Enchong Dee ang manggigil sa kontrobersiyal na pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago hinggil sa tinawag nitong `dramaserye’ na libing sa sanggol ng aktibistang si Reina Mae Nasino.

Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Enchong ang galit sa naging komento ni Pialago na nag-trending sa social media.

“This person is Heartless and Unintelligent. Ilagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng isang ina at mangyari to sayo. Bilang isang tao… ok lang talaga sayo??” banat ng aktor kay Pialago.

Maging si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. ay nagpahayag din ng kanyang saloobin hinggil sa pagpapadala umano ng mga military sa libing ng sanggol ni Nasino at pinatamaan din nito si Pialago.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Because it was a drama serye. Shet, one woman meeting her one baby’s corpse; total military mobilization? Fuck it. You bums make it impossible to stand up for the Philippines abroad,” tweet ni Locsin.

Sa kanyang post, binanatan ni Pialago ang mga nagtatanggol kay Nasino dahil aniya, hindi naman lahat ng nakulong ay nabibigyan ng pagkakataon na madalaw ang kanilang anak sa burol.

Pinapatigil din niya ang mga ito na gawing ‘dramaserye sa hapon’ ang pagluluksa ni Nasino,

“Kaya ‘yung mga sumisimpatya kay Reina Mae Nasino, pag-aralan niyo mabuti ang dahilan bakit siya nakulong at kilalanin niyong mabuti kung sino siya sa lipunan,” banat pa ni Pialago.

Niresbakan naman siya ng mga netizen at marami ring pumuna kay Pialago dahil ang tingin nila rito ay hindi angkop sa isang public official ang mga sinabi nito. (RP/RC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.