Abante Tonite Interactive

MMDA tigil muna sa paghatak ng sasakyan

403

Hindi muna maghahatak ng mga sasakyan ang Metropolitan Manila Development (MMDA) dahil umano sa napuno ang kanilang mga impounding area dulot ng pinaigting na anti-colorum operation ng ahensiya.

Sa ulat, sinabi ni Celine Pialago, tagapagasalita ng MMDA, na naghahanap pa lamang ang ahensiya ng mas malaking impounding area at hindi pa nito masisiguro kung kailan sila muling maghahatak ng sasakyan.

Gayunman, tuloy pa rin ang mga clearing operation ng ahensiya at ­tututukan ang mga kalsada na inaasa­hang magsisikip ang daloy ng mga sasakyan ngayong Kapaskuhan.

Naglabas din ng order ang MMDA sa kanilang mga ahensiya na mag-isyu ng hindi bababa sa 50 illegal parking ticket sa loob lamang ng isang araw.