Abante Tonite Interactive

MMDA traffic enforcer dagdagan pa

171

Dahil sa pautloy ng paglala ng trapik sa Metro Manila – ang lugar ng halos 2.8 milyon mga sasakyan – dapat gawing prayoridad ang pagha-hire ng maraming pang traffic enforcer.

Ito ang suhestiyon ni Senate President Tempore Ralph Recto kasabay ng pagsuporta sa apela ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dagdagan ang kanila pondo para makapag-hire ng dagdag pang mga traffic personnel.

Mahigit 2,000 traffic personnel lamang ang nasa payroll ng MMDA at kapos pa sila ng 5,000 para sa kanilang panga-ngailangan upang mabantayan ang lahat ng kalye sa Metro Manila.

Dahil patuloy na dumarami ang bilang ng mga sasakyan, kailangan umanong magkaroon ng “round-the-clock” at “rain-or-shine” na mga traffic enforcer na tututok sa mga pangunahing lansangan at kritikal na intersection sa Metro Manila.

“Sa loob ng nakaraang limang taon, 11,530 na sasakyan ang nadagdag kada buwan. Ito yung mga registered sa NCR. Hindi pa kasama yung mula sa Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, na regular na pumaparine sa Metro Manila,” ani Recto.

Binigyang-diin pa nito ang dumaraming bilang ng mga vehicular accident kung saan nitong 2017 umabot ito sa 110,025 kaso.

“With this epidemic in road crashes, we need more men to come to the aid of the injured and clear the road of obstructions,” sabi pa ni Recto.

Kung pinagbabawalan ng gobyerno ang MMDA sa paggamit ng ilang internal generated income, dapat umanong payagan silang gamitin ang bahagi ng P168 m­ilyong kinikita mula sa traffic fines sa pag-hire ng mga bagong traffic enforcer.

Subalit ang pinakamainam aniyang solus-yon ay dagdagan ang pondo na kanilang natatanggal mula sa national government sa pamamagitan ng G­eneral Appropriations Act. (D­indo Matining)