Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MMFF online okray

0 140

Galawang pang the best and brightest bang muli ito? Sa true lang, sana hindi na lang itinuloy ang annual December film festival kung online streaming lang ang mga ganap. Pasko na and the majority want normalcy and the happy chaos during the holidays.

Ang MMFF2020 sana ang magandang hudyat at mainam na pag-aralang test case kung handa na bang muling yakapin ng mga tao ang panonood ng mga pelikula sa sinehan.

Kung online streaming ang MMFF, ang ibig sabihin ba nito, kung may Hollywood movies na for December 2020 release sila ang mapapanood ng mga Pilipino?

Sa tingin niyo ba ang mga movie theater owners, kung may international film in December na pangmalakasan, ngayon online na ang MMFF, hindi, bubuksan ang mga sinehan para sa Hollywood at kung ano mang film hebigats?

Alam naman natin na hindi lahat ay may internet access at mabagal ang speed .

Buhay na patotoo ang mga balitang may mga guro na kailangan pang umakyat sa kanilang mga bubungan para lang makasagap ng malakas na signal . Ito’y para sa kanilang online teaching modules and interaction with students. Kaya paano ka masasabik sa pelikulang more chances of winning ang buffering habang ikaw ay manonood? Hindi naman lahat ay singyaman tulad ni Liza Soberano na super can afford ang connection na faster than a speeding bullet.

At saan galing ang drama at pretensyon the filmfest being streamed online open the motion pictures in competition to global audiences? Juice colored! Hindi ba kayo nahihiya at natatakot sa kapangahasan niyong ito?

Mas discerning ang taste ng mga taga ibang bansa pagdating sa pelikulang pinapanood nila. Sa NETFLIX na lang, alam niyo na ang mga pelikulang may stamp of approval ng mga mahilig sa pelikula.

Magpakatotoo na po tayo, na siksik, liglig at umaapaw sa takilya ang isa sa pamantayan ng MMFF success kaya sobrang imposible na cinematically eh pang world class, story and production values wise ang mga sumasali sa taunang festival.

Sa ilang dekadang pamamahala ng MMDA sa MMFF, has there been an MMFF film that received world wide acclaim and recognition? Ni wala pa ngang Pinoy film na nakalusot sa foreign film category ng Oscar’s or Golden Globes at ang honors natin mostly ay directorial and acting at hindi ang buong film. Is there any MMFF film product that even comes near the Korean filn gem that was “Parasite?”

Eh sa mga naunang inanunsyo na finished script submissions, sa totoo lang, pang-international caliber ba sila, aber?

Between WONDER WOMAN 1984 na ipapalabas worldwide sa December 25 sa mga sinehan versus PRAYBET BENJAMIN 3 na online, sino sa tingin niyo ang mas papanoorin?

SM food to go Banner Ad

Tanong nga mula sa isang katotong manunulat: “Paano mo maaakit manood ang mga tao ng MMFF entries online eh maraming ibang pwedeng pagpilian na palabas na di hamak mas maganda kumbaga sa usual handog ng MMDA sa festival?”

Prangkahan na tayo, mas malaki pa rin ang kikitain ng festival pag sa regular theatres ipalalabas ang mga entries.

And how will they protect these films from being pirated? Mas matindi at mas malala ang kaso ng piracy sa cyberspace.

Good luck sa online MMFF. Hindi naman masama ang plano. Pero sana, ipagpaliban na lang muna hanggang may pandemya pa at wala pang solusyon kung paano magugupo ang kalabang hindi nakikita.

Joshua tinabla ang sex, droga

Youth is indeed not wasted on the young and how? Palakpakan na may kasamang sigawan ang dapat nating ibigay sa mahusay na relatively young dramatic actor, si Joshua Garcia kasi nga bumalik ito sa pag-aaral.

Nakakatuwa na meron pa palang gaya ni Garcia na alam ang halaga ng edukasyon. Hindi siya gaya ng ibang artistang lalaki na sex, drugs at rock and roll ang inaatupag . Hindi rin siya ‘yung tipong nilulustay lang pera at kabataan sa walang kapararakang bagay.

Sa IG Stories ni Garcia, ipinakita niya ang kanyang student identification card na may kasamang captio:”It’s never too late to do something new. Use this pandemic time to create or learn new things. You just need courage and perseverance. And remember, ‘Procrastination is the enemy of Success.’”

Ang mas panalo para sa diva that you love, ang additional pahayag ni Garcia na: “Not paid promotion.”

Awww….. kung ang nakapareha niyang si Janella Salvador ay tila naglalaro ng bahay-bahayan kasama si Markus Paterson at ang ex naman niyang si Julia Barretto, ang laro naman ay ‘taguan’ with Gerald Anderson, ang binata eh of loftier pursuits ang ginagawa by being a student in a shala university located South of Metro Manila.

Great for you Joshua na pinahahalagahan mo ang iyong edukasyon at may plano kang mainam sa iyong hinaharap.

Naway pag bumalik na sa “normal” ang lahat, lalo na patungkol sa iyong karera, eh maayos mo ang iyong schedule para tuloy-tuloy ang schooling.

Juice colored! Kamusta naman kaya ang mga kaklase ni Joshua Garcia ? Maka-concentrate pa kaya sila sa pag-aaral o araw-araw na lang silang wet,wet, wet? Charot!Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.