Abante Tonite Interactive

MNTC-MVP pinili PNB-Lucio Tan kesa GSIS

386

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Manila North Tollways Corp. ( MNTC) ni Manuel V. Pangilinan matapos kunan umano ng insurance ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx) mula sa private sector sa halip na sa Government Service Insurance System (GSIS) na siyang itinatakda ng batas

Pinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 656 o Property Insurance Law ang pagkuha ng insurance sa mga pag-aari ng gobyerno, sa mga private insurance company.

Ang SCTEx ay pinangangasiwaan at nasa pangangalaga ng Manila North Tollways Corp. subalit ito’y nananatiling pag-aari ng pamahalaan.

Ayon sa COA, nang nakuha ng MNTC ni MVP ang business agreement para sa design, construction, operation, at maintenance ng SCTEx, hindi naman napunta sa kanya ang pag-aari ng 93.77-kilometer expressway.

Ang MNTC umano ang makikinabang sa mahigit P20 bilyong halaga ng insurance sakaling masira ang expressway kalamidad.

Ayon sa 2019 annual audit report ng Bases Conversion and Development Autho­rity (BCDA) na siyang nangasiwa sa pagpapatayo ng SCTEx, isang government owned and controlled corporation sa ilalim ng Office of the President, kinuha ng MNTC sa limang pribadong kompanya ang insu­rance policy para sa SCTEX mula September 2017 hanggang September 2018 na may kabuuang P33.862 milyon.

Ang PNB General Insurers Co. Inc. ni Lucio Tan ay kumita umano ng P3.35 milyon para sa insurance premium para sa bahagi ng SCTEx at P8.25 bilyon ang naka-insured na halaga nito.

Ang pinakamalaking ang kinita ay ang Asia Insurance Phils Corp. na P6.8 milyon habang naka-insured sa P4.1 bilyon para sa bahagi ng SCTEX.

Ilan pa sa kinuhang insurance company ay ang Republic Surety & Insurance Co. Inc. at Charter Ping An Insurance Corp. na kapwa kumita ng tig P5.1 milyon para sa premium ng P3.1 bilyong halaga sa bahagi ng SCTEX at FPG Insurance Company Inc. na kumita ng P3.4 milyon para sa P2.1 bilyong halaga na bahagi ng nasabing toll highway.

“MNTC insured SCTEx with private insurers and making itself as beneficiary.” Sakaling may mangyari tulad ng lindol o bagyo, MNTC ang kukubra sa insurance companies at hindi ang BCDA na maaring ikalugi nito,” sabi ng COA

“Such act is in contravention of aforementioned laws and deprives the government of adequate and reliable insurance protection to its properties, assets, and interests,” sabi ng CoA. (Eileen Mencias)