Abante Tonite Interactive

Mobile canteen hinirit para sa mga frontliner

288

Hiniling ng Cebu City Council kay Mayor Edgar Labelle na bigyan ng mobile canteen ang mga medical worker at iba pang frontliner.

Ayon sa konseho, sa pamamagitan ng mga mobile canteen ay mababawasan ang hirap na kinakaharap ng mga frontliner.

“Our frontliners have been working on long hours in their respective hospitals and barely have the time to go out and find food to eat. With this mobile canteen, it would make the work of our frontliners easier amidst the profundity of our situation now,” nakasaad sa isang resolusyon na inakda ni Councilor Prisca Niña Mabatid.

Inaprubahan ng konseho ang inihaing resolusyon ni Mabatid noong Abril 1.

Kabilang sa mga makikinabang kapag nagkaroon ng mga mobile canteen ay ang mga health worker at iba pang frontliner gayundin ang mga person under monitoring at investigation, uniformed personnel katulad ng mga sundalo at pulis, mga barangay tanod at kagawad at iba pang grupo nagsisilbing force multiplier.

Ayon kay Mabatid, kailangang ipakita ang todong suporta sa mga frontliner ngayong nahaharap sa pandemic ang bansa.

“In this time of pandemic, our frontliners need our utmost support. A call to provide food for the doctors, nurses, medical technologists, and other healthcare providers can be achieved by the use of our mobile canteen,” ayon kay Mabatid. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad