Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mobile coronavirus test iikot sa Antipolo lockdown area

0 338

Magsasagawa ang siyudad ng Antipolo ng mobile o offsite COVID-19 test sa mga residente ng mga lockdown areas.

Partikular na kanilang dadayuhin ay ang mga may sintomas at mga pasok sa vulnerable groups tulad ng mga senior citizens, buntis, mga may comorbidities o existing na sakit tulad ng diabetes, hypertension, mga cancer and dialysis patients, atbp.

“Inaasahan ang kooperasyon at disiplina ng mga mamamayan upang masiguro ang tagumpay ng ating isasagawang ECQ para sa inyong sariling kaligtasan,” hiling ni Mayor Andeng Ynares.

Ang lalawigan ng Rizal, kasama ang Antipolo City ay nasa General Community Quarantine (GCQ).

Mula nitong Lunes ay isinailalim sa lockdown ng alkalde ang ilang mga lugar sa Antipolo City, para mapigil ang pagkalat ng sakit na Covid-19 sa lungsod.

Kabilang dito ang: Sitio Upper Ruhat 3A, Brgy. Mambugan; 1st Street in Sitio Oreta, Brgy. San Isidro; Sitio Kamandag 3 sa boundary ng Barangay Bagong Nayon at Mayamot; Zapanta Compound sa Brgy. San Roque at ilang piling bahagi ng Sitio Tubigan, Brgy. Dalig.

“Bagaman pinapayagan pa rin makalabas ang isang miyembro ng pamilya para sa mga essential goods tulad na pamamalengke, magbibigay po muli ang pamahalaang lungsod ng mga food packs dalawang beses sa loob ng isang lingo,” pahayag ni Mayora Ynares.

Leave A Reply

Your email address will not be published.