Abante Tonite Interactive

Mobile palengke ni Vico gumulong na

0 583

Nagsimula nang mag-ikot ang mobile palengke ni Pasig City Mayor Vico Sotto na layuning bawasan ang mga nagpupunta sa mga palengke habang pinatutupad ang social distancing sa ilalim ng enhanced community quarantine.

Maglilibot sa mga barangay sa Pasig City ag mobile palengke para ilapit na sa mga residente ang kanilang mga pangangailangan.

“Presyong palengke, mas malapit sa mamimili at tulong na rin sa mga maninindang Pasigueno,” ayon kay Sotti sa Facebook page ng Public Information Office ng city hall.

Napag-alaman na limang mobile palengke ang nag-ikot nitong Miyerkoles sa Pasig. Kabilang sa mga inikutan nito na mga barangay ay ang Kapitolyo, Pineda, Bagong Ilog, San Miguel at Pinagbuhatan.

May mga schedule ang pag-iikot ng mobile palengke para marating lahat ng barangay sa kanilang lungsod.