Abante Tonite Interactive

Mocha bet palayain si Palparan

547

Sinusulong ni dating Communications Assistant Secretary Mocha Uson na mapalaya si retired Major General Jovito S. Palparan Jr.

Kasalukuyang nakakulong si Palparan sa New Bilibid Prisons (NBP) matapos mapatunayang guilty sa kidnapping at serious illegal detention noong 2006.

May kaugnayan ito sa pagkawala ng University of the Philippines (UP) students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan.

Hinatulan siyang makulong ng hanggang 40 taon.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Uson na dapat palayain si Palparan para mawakasan ang New People’s Army (NPA).

“Sa buod ng usapan at interview w Gen Palparan isa lang masasabi ko WE NEED HIM TO FIGHT THE TERRORIST NPA. Mr. President FreeGenPalparan,” pahayag ni Mocha. (Issa Santiago)