Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mocha hindi buntis

0 213

Nagsalita na si Mocha Uson tungkol sa kumakalat na malisyosong tsismis na nagdadalang-tao umano siya at si Robin Padilla ang ama. Nagsimula ang tsismis na ito sa isang blind item na lumabas two days ago na kaya raw nawawala sa sirkulasyon ang isang aktres/singer ay dahil buntis ito at ang sikat na aktor na may asawa ang ama.

May mga humula na sina Robin at Mocha ang tinutukoy sa blind item dahil tumutugma ang deskripsyon sa kanila kaya naman kaagad na nagpasalin-salin ang balita sa loob ng showbiz dahil napakalaking tsismis nga naman nito. Nauna nang nagbigay ng denial ang asawa ni Binoe na si Mariel Rodriguez last Thursday sa kanyang Instagram at kahapon, si Mocha naman ang nagbigay ng kanyang pahayag.

Nag-post si Mocha sa kanyang Instagram, Facebook vlog ng video na nagwo-work-out siya upang ipakita na hindi siya buntis. Sa caption ay tahasan niyang itinanggi ang tsismis at aniya ay nakakahiya raw kina Robin at Mariel. “BUNTIS DAW AKO KAY ROBIN?

“Wala pong katotohanan yang tsismis na yan. Napakabait po nung tao. Nakakahiya naman kay idol Robin at Mariel,” ang bungad ni Mocha.

Paninira lang daw sa kanila ang nasabing tsismis at tila inaakusahan ang kampo ng isang politician na nagpapakalat nito. “Sigurado ako ang nagpapakalat niyan ay yung mga bitter sa ating gobyerno. Alam ng lahat na ako at si sir Robin ay masugid na supporter ni Pangulong Duterte kaya nalang sinisiraan kami. Kulelat kasi sa survey ang pambato nila kaya kung anu-ano paninira ang iniimbento nila,” pahayag ni Mocha.

Leave A Reply

Your email address will not be published.