Abante Tonite Interactive

Mocha ikinakahiya ng PIA chief

By
0 1,688

Binanatan ng kapwa opisyal sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa viral video nito tungkol sa pederalismo.

Sa kanyang post sa Facebook account, iginiit ni Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite na dapat humi­ngi ng public apology si Uson at magbakasyon muna para pag-isipan ang mga nagawa nitong kapalpakan sa kanyang trabaho.

Ayon kay Clavite, ang ginawa ni Uson at kasamang blogger na “pepedederalismo jingle” ay isang insulto sa kanilang propesyon sa communications at public information at nakakababa sa mga kababaihan at mga nanay sa kanilang hanay.