Abante Tonite Interactive

Mocha ‘missing in action’, seminar sa federalism dinedma

By
1,103

Hindi sumisipot si Presidential­ Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa inter-agency meetings para sa ilulunsad na information campaign patungkol sa federalismo.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng paghahanda ng Palasyo para sa malawakang information campaign sa federalismo.

Matatandaang marami ang nagalit kay Uson pati na ang mga nagbalangkas sa charter change dahil sa ‘pepe dede ralismo’ jingle nito kasama ang isang blogger.

Sinabi ni Roque na mayroong formal training para sa mga magpapaliwanag sa federalismo at kung dadalo si Uson sa inter-agency meeting ay maaari itong maging bahagi ng magtataguyod sa information campaign.

Mayroon aniyang standard training para sa mga trainor dahil mahalagang maintindihang mabuti ng publiko ang hinggil sa federalimo.

“She has not been attending the inter-agency meetings on the dissemination. There will be a formal training for trainors so if she attends, I suppose she can be one of the disseminators. But what is indispensable is we have standardized not only the materials to be used in the dissemination activity but we have also a standard training for the trainors,” ani Roque.