Abante Tonite Interactive

Mocha pinanindigang bisexual

By
6,163

Sa interview ni Boy Abunda kay Mocha Uson sa Bottomline kamakailan ay muli niyang inamin na isa siyang bisexual. Ibig sabihin puwede sa babae at puwede sa lalaki.

Sa show ni Kuya Boy naikuwento ni Mocha graduate siya ng Veterinary Medicine sa UST. Pangarap din ng kanyang nanay na maging isa siyang ganap na doctor kagaya niya.
Ang kanyang ama ay isang prosecutor pero namatay sa ambush.

Anyway, dahil gusto niyang magsayaw at kumanta kaya nabuo ang Mocha Girls.

Abante Hiring – IT dep

Dati ay hindi matanggap ng kanyang ina ang kinahumalingan niyang pagsasayaw. Pero nang sumikat at nakilala ang Mocha Girls ay natanggap na rin siya ng kanyang mga mahal sa buhay.
Look now, kinuha pa siya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Communication Assistant Secretary.

Tungkol naman sa balitang tatakbo siyang senador sa 2019 election, wala siyang inaamin o dine-deny.

Anyway, May 17 ang birthday ni Mocha and she is tur­ning 36 years old.