Abante Tonite Interactive

Mocha sinundot ng mga kasamahan sa PCOO

By , ,
2,295

Habang nasa ibang bansa upang samahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa state visit sa Israel at Jordan, pinasabog naman ng dalawang opis­yal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang mga baho ni Assistant Secretary Mocha Uson sa Kamara.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa panukalang P1.6 bilyon na budget ng PCOO sa susunod na taon, ibinu­king ni Secretary Martin Andanar na madalas mawala si Uson dahil sa binibitbit ito ni DFA Sec. Alan Peter Cayetano sa labas ng bansa

“Siya po’y sumasama sa ibang lakad ni Secretary Alan Cayetano ng Department of Foreign Affairs,” giit ni Andanar matapos siyang tanungin­ kung kasama ba sa job description ng dating sexy star ang madalas na pagbiyahe sa ibayong dagat.

Sundot pa ni Anda­nar, mabenta din umano si Uson sa Office the President sa tuwing may biyahe o lilipad ang Pa­ngulo, maging ito man ay sa lokal o sa ibang bansa.

“Yung mga biyahe po ni Presidente na kasama po si Asec. Mocha, siya po ay nire-request ng Office of the President to join,” sabi ni Andanar.

Isiniwalat naman ni PCOO Assistant Secretary Ana Marie Banaag na minemohan ng isa nilang kasamahan si Uson dahil sa kontrobersiyal na viral video ng ‘pepedederalis­mo’ jingle nito.

Sinabi ni Banaag na inisyu ni Undersecretary Lorraine Badoy ang memo kay Uson para paalalahanan ang kasamahang opisyal sa mga ipino-post niya sa kanyang blog alinsunod sa probisyon ng Republic Act 6173, kung paano kumilos ng naaayon ang isang opisyal at empleyado ng gobyerno.

Si Undersecretary Badoy ang namumuno sa PCOO gender and deve­lopment activities.

Ayon kay Banaag, ito ang unang memo na inisyu kay Uson sa kabila ng ilang mga naunang kapalpakan nito.

“Nag-issue ng memorandum kay Asec. Mocha Uson to remind her doon sa lahat ng pino-post niya and to remind her din doon sa provision ng RA 6713, the norms and conduct of public officials and employees especially on professio­

nalism,” ani Banaag.