Abante Tonite Interactive

Mocha tinira ni Digong sa Israel

By
3,146

Mismong si Pangulong­ Rodrigo Duterte na ang nagsabi na lumagpas sa limitasyon si Presidential Communications Ope­rations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson.

Kasunod na rin ito ng mga naging kapalpakan ng opisyal sa kanyang ‘pepededera­lismo video’ at ang pagiging palaban nito sa mga kritikong pumupuna sa kanya.

Sinabi ng Pangulo sa harap ng Filipino community sa Israel na medyo nasobrahan ang opisyal, pero igagalang nito ang kanyang freedom of expression.

“Si Mocha maraming kalaban. Marami siyang kalaban. Well, I don’t know but sabi ko just… Alam mo, ganito ‘yan eh. There are things na tingin ko medyo nasobrahan. But just the same as a President who is sworn to protect the constitution and enforce it, it is covered with ‘yung privilege nila — freedom of expression.

Wala tayong… Kung ano ‘yang gusto niyang sabihin, que ma-empleyado siya ng opisina ko o sa labas as a private citizen, that is not really my concern. As long as it is covered sa provision ng Constitution — freedom of expression,” anang Pangulo.